Calendar
Source: Screen grab mula GMA News Video
Bus nag-crash sa van, carinderia, 2 patay; driver kritikal
ISANG provincial bus noong Miyerkules ang bumangga sa isang carinderia at isa pang sasakyan sa Santa Rosa-Tarlac Road sa Bgy. Santo Rosario, Santa Rosa, Nueva Ecija.
Kinilala ng Nueva Ecija police ang mga nasawi na mag-asawang may-ari ng Lutong Bahay carinderia na sina Edwardo, 56; at Rochele, 56, kapwa residente ng Bgy. Santo Rosario, Santa Rosa, Nueva Ecija.
Lumabas sa imbestigasyon na ang driver ng Solid North Bus na kinilalang si Edgardo, 53, ng Bgy. Sumacab Este, Cabanatuan City, ay nawalan ng kontrol sa sasakyan, pumihit pakaliwa at aksidenteng bumangga sa nakaparadang van.
Nagpatuloy ang pag-usad ng bus at bumangga sa kalapit na carinderia kung saan natutulog ang dalawang biktima.
Isinugod sila sa Nueva Ecija Doctors Hospital kung saan idineklarang dead on arrival ang dalawang biktima habang nasa kritikal na kondisyon ang driver ng bus.

