Gibo1

Cabinet ni PBBM lalong magiging matatag dahil sa pagkaka-dagdag ng dalawang Teodoro para sa DND at DOH

Mar Rodriguez Jun 6, 2023
118 Views

HerbosaLALONG magiging matatag ang Cabinet ni President Ferdinand “Bongbong” R. Marcos, Jr. dahil sa pagkakadagdag nina Atty. Gilbert “Gibo” Teodoro, Jr. bilang Kalihim ng Department of National Defense (DND) at Dr. Teodoro Herbosa bilang Kalihim naman ng Department of Health (DOH).

Ito ang sinabi ni House Speaker Ferdinand Martin Gomez Romualdez na ang malusog o maraming karanasan ng itinalagang dalawang Teodoro sa larangan ng Defense at Health ay malaki ang maitutulong para lalo pang mapa-igting ang miyembro ng Cabinet ni Pangulong Marcos, Jr.

“They are welcome additions to the President’s immediate official family. Their wealth experience and knowledge in defense and health strengthen the Marcos, Cabinet,” sabi ng House Speaker.

Binigyang diin pa ni Speaker Romualdez na ang pagtatalaga sa dalawang Teodoro ay isang pagpapatunay o maliwanag na testamento na totoong determinado si Pangulong Marcos, Jr. na makahanap ng mga mahuhusay na taong makakasama niya upang mapasilbihan ang mamamayang Pilipino.

“Their appointments also mean that the President is bent on finding the best and the brightest to join him in serving our people,” ayon pa kay Speaker Romualdez.

Si Secretary Gilbert “Gibo” Teodoro, Jr. ay dating ng nanungkulan bilang Kalihim ng DND at dating administrator ng Social Security System (SSS) noong panahon ni dating Pangulong Ferdinand Marcos, Sr. Siya ay nakatapos ng Law sa University of the Philippines (UP) at naging top noong 1989 bar examinations.

Habang si Herbosa naman ay nagsilbing Undersecretary ng DOH at nanungkulan din bilang opisyal ng Philippine General Hospital (PGH).