Calapan

Calapan nagkapon ng 300 aso, pusa

Helen D. Prado Sep 17, 2025
278 Views

CALAPAN CITY–Nagbigay noong Lunes ng libreng spay at castration para sa mga aso at pusa ang siyudad na ito sa pamamagitan ng Provincial Veterinary Office (ProVet) sa Calapan City, Plaza Pavilion.

Katuwang ng ProVet ang Calapan City Veterinary Office, Marinduque Veterinary Office, Palawan Veterinary Office kasama ang ilang volunteers  sa pribadong klinika sa inisyatibo.

Tinatayang nasa 300 aso at pusa ang sumailalim sa spay and castration procedure.

Ayon kay Dr. Alfredo Manglicmot, OIC ng Provincial Veterinarian Office, malaki ang benepisyo para sa mga alagang hayop ng naturang gawain.

Ang inisyatibong ito ay naglalayong makatulong sa pagkontrol ng populasyon ng mga aso at pusa sa lungsod at upang itaguyod ang  responsableng pag-aalaga ng hayop.

Itinuturing na mahalaga ang hakbang na ito tungo sa pagkakaroon ng mas ligtas at mas maayos na komunidad.