Gadon

Caravan Challenge!

583 Views

Hamon ni Gadon sa kampo ng pinklawan

HINAMON ni UniTeam senatorial bet Atty. Larry Gadon ang mga tagasuporta ni Leni Robredo na maglunsad ng motorcade upang tapatan ang dinudumog na caravan ni presidential frontrunner Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos.

“Eh puro kayo artista. Puro kayo lobo at puro photoshop. Mag-caravan na lang tayo nang sabay-sabay para magkaalaman na kung sino ang legit at organic at kung sino ang peke at manloloko sa taumbayan,” ani Gadon.

Para kay Gadon, wala nang dapat patunayan ang mga tagasuporta ng BBM-Sara UniTeam dahil kahit kailan at kahit saang bayan sila magpunta, ramdam nila ang init ng pagmamahal ng sambayanan.

“Kailangan ni Leni ng mga sikat na banda at artista para lang puntahan ang lugaw nilang kampanya,” sabi pa ng YouTube sensation na abogado.

Idinagdag ni Gadon na ang pinakamagandang gawin ngayon ay mag-organisa ang lahat. “Lahat ha? Meaning kaming BBM supporters gagawa ng serye ng motorcade namin, tapos kayong mga pinklawan kayo gawa rin kayo para malaman natin kung sino ang hakot, sino ang bayaran at sino ang tunay na nagmamahal ng tapat sa mga kandidato,” wika ni Gadon.

“Ang tawag dito Caravan Challenge,” sambit pa nito.

Sinabi ni Gadon na sa lahat ng kandidato ngayon, bukod tanging si Marcos lamang ang kandidato na kayang mangampanya araw-araw na dinudumog ng tao. Kaya aniya ng UniTeam na mag-umpisa ng kampanya kahit alas-8:00 ng umaga at hanggang gabi ay kitang-kita ang mainit na pagtanggap ng tao.

Samantalang si Robredo ay isang beses lamang isang linggo.

“Alam n’yo bakit once a week ang kanilang rally? Take note ha? Hindi campaign rally kundi concert rally,” dagdag pa ni Gadon.

“Wala nga silang maipakitang dinudumog sa motorcade si Robredo kasi hindi nila kayang bayaran ang lahat ng ating kababayan para lamang lumabas ng kanilang tahanan. Hindi tulad ng ginagawa kay BBM, talagang gumigitna pa sa kalsada ang tao. Kita n’yo naman halos yakapin nila si Marcos,” pahabol pa nito.

Naniniwala ang senatorial candidate na kung mangyayari ang panawagan niyang ‘Caravan Challenge,’ mapapahiya lalo ang kampon ng pinklawan!

“Umpisahan na natin ang hastag #CaravanChallenge,” sabi pa ni Gadon.