Cayetano

Cayetano nanawagan kay PBBM na i-veto ang Vape Bill

208 Views

“VAPE BILL WILL CREATE A HEALTH CRISIS.”

Ito ang mariin sinabi ni Sen Alan Peter Cayetano sa isang press conference kahapon kung saan ay nanawagan din sya at ang kapatid na si Sen. Pia Cayetano kay Pangulong Ferdinand Marcos jr., na i veto controversial naVape Bill.

Ayon kay Cayetano, malalagay sa matinding kapahamakan ang mga Pilipino kabataan na magkakaroon ng dahilan upang manigarilyo gamit sa umpisa ang Vape at sa bandang huli ay ang regular ng sigarilyo na lubhang nakakasira sa katawan ng sinuman tao.

Nanawagan sila sa mga kasamang kongresista sa Senado at Kamara na huwag pahintulutan ang Vape Bill sabay hamon na mismong mga anak, kapatid, apo o sinuman kaanak ng mga ito ay hindi nila paniguradong papayagan na mga Vape o manigarilyo dahil sa masamang dulot nito sa kalusugan.

“Don’t you expect your senators and your congressmen to be second parents to your children? Kung kami hindi i a allow yung mga anak namin o pamangkin o apo to do that, bakit kami magpapasa ng batas to allow them to do it? ani Cayetano.

“I am asking you, as a parent, would you allow your son or daughter, at 18 years old to start vaping or e-cigs? at ang sabi nila No,” dagdag pa niYA.

Sa nasabing press conference ay isinama rin ng magkapatid na Cayetano ang ilang mga experto na nagsabing hindi aniya makapagdudulot ng anumang kabutihan ang Vape o anumang produktong tabacco bagkus ay wawasakin lang umano nito ang kalusugan at kapaligiran dulot ng pollusyon na dala rin nito.

Nauna rito ay ibinigay ang nasabing Vape Bill bago matapos ang termino ni Pangulong Duterte at ngayon naman ay nasa mesa ni Pangulong Marcos jr .

Hinamon din nina Cayetano na huwag hayaan ng Commission on Higher Education CHED na lumaganap ito sa mga eskwelahan dahil sa masamang epekto ng produkto sa mga bata dahil sa nakapaloob dito na ibaba sa 18 anyos ang mga pwedeng gumamit nito.

“This means that even senior high school students can buy and use vape. Just because it is less harmful, will we expose our 18-year-old to a gateway drug” dagdag ni Sen. Alan.

Hinalimbawa rin ni Cayetano ang E-cigarette na vape sa e-sabong na sobra aniyang nakasira sa maraming buhay ng maraming Pilipino sa kasagsagan nito.

“We averted a moral crisis by banning internet gaming specifically e-sabong. So let’s not sign this bill that will lead to another health crisis,” giit ni Cayetano.