Martin2

Centinarian Bill lumusot na sa Kongreso

171 Views

INIHAYAG ni House Speaker Ferdinand Martin Gomez Romualdez na pumasa na sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang House Bill No. 7535 o ang “Centinarian Act of 2016”.

Sinabi ni Speaker Romualdez na lumusot na noong Lunes (May 8) o pumasa sa third and final reading ang House Bill No. 7535 na mag-aamyenda sa Centenarians Act of 2016.

Ipinaliwanag ng House Speaker na ang mga lolo at lola na aabot sa kanilang ika-101 taong kaarawan ay makatatanggap naman ng P1 million.

Maliban dito, sinabi pa ng Speaker na ang mga senior citizen ay makakatanggap ng P25,000 na cash incentives oras na umabot sa edad na 80, 85, 90 at 95 years old.

Habang magtutuloy-tuloy din ang pagbibigay ng P100,000 na insentibo sa kanila oras na umabot sa edad na 100 taong gulang.