FL Liza Marcos

Ceremonial serve sa VNL gagawin ni FL Liza Marcos

Ed Andaya Jun 26, 2023
226 Views

PANGUNGUNAHAN ni First.Lady Liza Araneta Marcos ang ceremonial first serve sa pagbubukas ng Volleyball Nations League (VNL) Men’s Week 3 Pasay City leg sa SM Mall of Asia Arena sa July 4.

Ang ceremonial serve ni Mrs. Marcos ay nakatakda bago ang 7 p.m. na laro sa pagitan ng world No. 7 Japan and No. 25 China sa opening day sa SM Mall of Asia Arena.

“We are honored with the First Lady, Atty. Liza Marcos, making the first serve in the VNL,” pahayag ni Phililppine National Volleyball Federation president Ramon “Tats” Suzara

“Her presence is greatly appreciated and will definitely boost the VNL and the country on the global volleyball stage,” dagdag pa ni Suzara.

Bagamat kilala bilang isang batikang lawyer, si Mrs. Marcos at lumaki din sa sports.

Ang kanyang nasirang ama na si Manuel Araneta ay naging miyembro ng national basketball team na naglaro sa 1948 Summer Olympics sa London.

Bukod sa sagupaan ng Japan at China msgtutuos din ang world No. 2 Brazil at No. 4 Italy simula 3 p.m. sa July 4.

Ang No. 17 Canada at No. 12 Netherlands ay maghaharap sa 3 p.m. habangang No. 1 Poland at No. 9 Slovenia ay magtutuos simula 7 p.m. sa July 5.

Mabibili ang mga tickets sa Ticketnet.

Bukod kay Mrs. Marcos, inanyayahanding dumalo sa opening day sina Philippine Olympic Committee president Rep. Abraham “Bambol” Tolentino, Philippine Sports Commission Chairman Richard Bachmann at Pasay City Mayor Imelda Calixto Rubiano.