Tulfo1

China target kubkubin silangang bahagi ng PH– Tulfo

126 Views

MATAPOS sakupin ang ilang bahagi ng West Philippine Sea, target naman umano ngayon na kubkubin ng Tsina ang silangang bahagi ng bansa, na nasasakupan ng Pacific Ocean.

Ito ang tingin ni ACT-CIS Rep. at House Deputy Majority Leader Erwin Tulfo matapos mamataan ang ilang barko ng China sa naturang lugar kamakailan.

Ayon kay Cong. Tulfo, ” noong March lang dalawang barko nila (China) na mga research vessel daw ang naispatan sa Benham Rise.”

“Tapos nito lamang nakaraang linggo isang research vessel na naman nila ang naispatan sa Catanduanes tapos tumakbo pa patungong Samar nang makita ng mga awtoridad,” dagdag pa ni Tulfo.

“Wag sabihin ng China na napadpad lang ang mga barko nila dito sa eastern seaborder natin,” ani Cong. Tulfo.

Ayon sa mambabatas, “I am sure nagsa-surveillance na ang mga yan at gumagawa na ng plano kung saan sila maglalagay ng man-made island para gawing base ng People’s Liberation Army nila.”

“Parang mga magnanakaw na basta na lang pumasok sa karagatan natin ng walang paalam,” dagdag pa ng mambabatas. ”

Kaya bago pa maisakatuparan ang pagsakop nila sa ating teritoryo na naman, dapat mapigilan na sila ngayon ng ating Sandatahang Lakas,” pahabol pa ni Tulfo