Chinese arestado sa P272M halaga ng shabu

174 Views

ARESTADO ang 33-anyos na Chinese national na nahulihan umano ng P272 milyong halaga ng shabu sa Quezon City noong Linggo, Hulyo 3.

Sa impormasyong inilabas ng Philippine National Police ngayong Hulyo 4, kinilala ang suspek na si Jia Cai Zhu, residente ng Sante Cruz, Manila.

Naaresto umano ang suspek sa isang buy-bust operation sa Brgy. Lourdes.

Narekober umano sa suspek ang tinatayang 40 kilo ng shabu.