PCSO

Street sweeper nanalo ng P103M jackpot ng MegaLotto 6/45 noong Hunyo 17

138 Views

ISANG street sweeper sa Malabon City ang nanalo ng P103.2 milyong jackpot prize ng MegaLotto 6/45 sa bola noong Hunyo 17.

Ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) kinuha ng nanalo ang kanyang premyo noong Hunyo 21.

Kuwento ng nanalo nalaman niya na siya ay nanalo sa pamamagitan ng Facebook page ng PCSO.

Noong una ay inakala umano nito na limang numero lamang ang kanyang nakuha. Kinabukasan ay muli nitong tinignan ang kanyang tiket at dito nakumpirma na siya ang naka-jackpot.

Ang nanalo ay 25 taon ng street sweeper at mayroong apat na anak. Wala umanong permanenteng trabaho ang kanyang mister.

Araw-araw umano itong tumataya sa lotto dahil nangangarap ito na siya at mananalo.

Ang premyo sa lotto na nagkakahalaga ng mahigit P10,000 ay pinapatawan ng 20 porsyentong buwis.