Chiz

Chiz: PH dapat ‘one step head’ sa magiging pagbabago sa US sa ilalim ni Trump

147 Views

KAHANDAAN ang dapat pairalin ng Pilipinas sa muling pagbabalik ng Pangulo ng Estados Unidos na si Donald Trump kaugnay ng mga polisiya na ipatutupad nito sa kanyang pamahalaan.

Ayon kay Senate President Francis Chiz Escudero, dapat ang Pilipinas ay “one step ahead” sa anumang mga pagbabago sa patakaran na ipinangako ni US President-elect Trump na ipapatupad pag-upo niya sa puwesto.

Ito ang panawagan ni Escudero na nagsabing bukod sa pagbibigay pagbati sa pagkapanalo nitong muli sa pagka presidente ng Amerika, dapat na rin simulan ng pamahalaan ang ibat ibang posibilidad o scenario upang alam natin kung anong tamang reaksyon a solusyon sakaling isakatuparan ito na hindi mabibigla ang ating gobyerno at pamunuan.

“Donald Trump is a major macroeconomic assumption,” ani Escudero, tumutukoy sa mga pwedeng mangyari gamit ang gobyerno sa pag-forecast ng performance ng ekonomiya sa loob ng isang buong taun.

“From trade to security to immigration, what he said he plans to do, some on day one of his administration, would certainly impact us,” dagdag ni Escudero.

Kung itutuloy ni Trump ang kanyang banta na magsagawa ng pinakamalaking mass deportation sa kasaysayan ng Estados Unidos, “then how many of the estimated 300,000 vulnerable Filipinos will be in the first wave of expulsion?” tanong ni Escudero.

Bilang paglilinaw, sinabi ni Escudero na kahit isang porsyento lamang ng 300,000 ang mapaalis sa Amerika, kakailanganin nito ang 10 malalaking eroplano.

“How will his plan to erect high tariff walls affect our economy given the fact that almost $1 in every $7 of our export earnings come from our trade with the United States?” tanong ni Escudero.

“Kung dahil sa kanya lalakas ang dolyar, ano ang epekto nito sa atin kung ang dulot nito ay ang paghina ng piso? Siguradong lolobo ang halaga ng ating foreign debt,” ayon sa pinuno ng Senado.

Dagdag pa niya, kahit pa ang mga planong pagbabago ni Trump sa diplomatikong aspeto ay makabawas ng tensyon sa mundo at makapag-ayos ng mga giyera, “these wins will still impact our fiscal position.”

“The inconvenient truth is cheaper oil will reduce tax collections on oil upon which government spending on social programs is pegged,” sabi ni Escudero.

Isa pang mahalagang aspeto ng ugnayan ng US at Pilipinas na kailangang repasuhin, ayon kay Escudero, ay ang military alliance na pinalakas ng administrasyong Biden.

“On the security front, will a second Trump administration be hawkish or dovish against China? Dapat handa tayo kung sakaling may bagong posisyon ang Washington,” sabi ng mambabatas mula Bicol.

Aniya, malinaw na ipinahayag ni Trump sa buong mundo ang kanyang mga plano kung sakaling manalo siya muli sa White House. “Hindi naman sikreto ang mga ito kasi pinangalandakan niya sa kampanya at ang mga ito pa nga ang nagpapanalo sa kanya.”