Lao Lloyd

CIDG inaresto ex-PS-DBM Usec Llloyd Christopher Lao

Zaida Delos Reyes Sep 18, 2024
105 Views

NAARESTO na ng PNP- CIDG si dating Procurement Service- Department of Budget and Management Undersecretary Lloyd Christopher Lao sa Davao City.

Ito ang kinumpirma ni PNP-CIDG Director Police Major General Leo Francisco.

Si Lao ay naaresto sa bisa ng warrant of arrest para sa kasong paglabag sa RA 3019 o Anti-Graft and Corrupt Practices Act na ipinalabas ng first Division ng Sandiganbayan.

Si Lao ay inakusahan ng pagpabor sa ilang kumpanya kabilang ang Pharmally Pharmaceutical Corporation kung saan sinasabing corporate treasurer at incorporator si Rose Nono Lin ng Pharmally Biologicals na siyang sister company ng kumpanya.

Ayon sa ulat, umabot sa P8.5 billion ang halaga ng kontratang ibinigay nito sa Pharmally para sa pagsu-supply ng face masks , face shields, personal protective equipment o PPE at test kits noong panahon ng pandemya.

Agad na isinailalim si Lao sa documentation at booking procedure.

Matatandaan na ilang beses na ding ipinatawag sa mga pagdinig sa Senado si Lao subalit hindi ito mahagilap.