COA

COA: Carmona pinakamayamang munisipyo

156 Views

ANG bayan ng Carmona sa Cavite ang pinakamayamang munisipyo sa bansa.

Ito ay batay sa 2021 Annual Financial Report na inilabas ng Commission on Audit (COA).

Ayon sa naturang ulat, ang Carmona ay may kabuuang asset na P6.212 bilyon.

Pumangalawa naman ang bayan ng Limay sa Bataan na may P4.795 bilyong asset.

Sumunod naman ang Silang, Cavite (P3.738 bilyon), Cainta, Rizal (P3.393 bilyon), Taytay, Rizal (P3.274 bilyon), Binangonan, Rizal (P3.141 bilyon), Caluya, Antique (P3.117 bilyon), Sta. Maria, Ilocos Sur (P3.044 bilyon), Cabugao, Ilocos Sur (P2.967 bilyon), at pang-10 ang Rodriguez, Rizal (P2.915 bilyon).

Ang Caluya ang tanging munisipyo na hindi bahagi ng Luzon na nakapasok sa top 10.

Mayroong 1,488 munisipalidad sa bansa.