Abante

Abante ipinaalala sa Pagcor na mas malaking panganib ang hatid ng POGO kumpara sa malaking kinikita mula dito

136 Views

IPINAPA-ALALA ngayon ng isang beteranong Metro Manila congressman sa Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) na napakalaking panganib ang naidudulot ng pananatili ng Philippine Offshore Gaming Companies (POGO) kapalit ng malaking revenue na nakukuha ng pamahalaan mula dito.

Binigyang diin ni Manila 6th Dist. Cong. Bienvenido “Benny” M. Abante, Jr., “kilalang anti-gambling advocate”, na ang sunod-sunod na krimen na kinakasangkutan ng mismo ng POGO ay lalo lamang nagpapatibay sa paninindigan at mariing pagtutol ng ilang kongresista patungkol sa pananatili ng POGO sa Pilipinas.

Ayon kay Abante, bagama’t ipinagmamalaki ng PAGCOR na malaki ang nakukuhang revenue ng gobyerno mula dito. Subalit iginiit niya na pahahalagahan pa ba ng PAGCOR ang malaking kita mula sa POGO kung pinagmumulan naman nito ang iba’t-ibang uri ng kriminalidad na sangkot ang mga Chinese nationals.

Sinabi ni Abante na kung nakapasa lamang ang panukalang batas na isinulong nito noong 18th Congress (House Bill No. 6701 / Anti-POGO Act of 2020) naipagbawal na sana an gang tinatawag na “online games of chance” o “sporting events” sa pamamagitan ng internet.

Ang naging pahayag ng kongresista laban sa pananatili ng POGO ay bunsod ng naging pahayag ng ilang matataas na opisyal ng pamahalaan na kumukuwestiyon sa “merits” na nagpapahintulot sa operasyon ng POGO sa Pilipinas sa harap ng mga problemang idinidulot nito.

“Recently, Department of Finance (DOF) Sec. Benjamin Diokno echoed a point I have made all along: that the social costs of POGOs far outweigh their benefits,” sabi ni Abante.