Calendar
Cong. Edward Hagedorn hinihiling sa House Committee on Public Works ang pagsasa-ayos ng kalsadang tumatahak sa Underground River
HINIHILING ngayon ng isang kongresista sa House Committee on Public Works and Highways ang pagsasa-ayos ng kanilang kalsada na tumatahak sa Underground River sa Puerto Princesa sa Palawan dahil sa malaking benepisyong naibibigay nito sa kanilang lalawigan.
Isinulong ni Palawan 3rd Dist. Cong. Edward S. Hagedorn ang House Bill No. 4887 sa Kamara de Representantes na naglalayong maisa-ayos ang Salvacion-Sabang Road na tumatahak patungong Underground River kabilang ang “conversion” nito bilang isang “national road”.
Ipinaliwanag ni Hagedorn na malaking tulong ang naibibigay ng nasabing kalsada hindi lamang para sa mga lokal na residente. Bagkos pati narin sa mga lokal at dayuhang turista na bumibista sa Underground River kabilang na rin dito ang mga investors o mga negosyante.
Sinabi pa ni Hagedorn na kahit noong nagsisimula pa lamang ang sibilisasyon sa Palawan. Malaking bagay na aniya ang pagkakaroon ng maayos na kalsada sapagkat ito ang dinadaanan ng mga mangangalakal, mga residente at dayuhang nagtutungo sa kanilang lalawigan.
Kung kaya’t muling hinihiling ni Hagedorn sa liderato ng Kongreso sa pamamagitan ng House Committee on Public Works and Highways ang pagsasa-ayos ng Salvacion-Sabang Road matapos ang mahabang panahong paghihintay upang ayusin ang nasabing kalsada.
Ayon sa mambabatas, ang Salvacion-Sabang Road ay halos nagkasira-sira na o tinatawag na “dilapidated” dahil sa mahabang panahon na hindi naaayos ang kalsada. Kaya panahon na upang magkaroon ng repair at maintenance kabilang na ang modernization nito.
“Due to time and use, the Salvacion-Sabang Road is already dilapidated and is in dire need of regular maintenance, renewal or modernization. Once converted as a national road, it will be under direct supervision of the Department of Public Works and Highways (DPWH),” ayon kay Hagedorn.