Madrona

Cong. Madrona isinulong ang panukalang batas na nade-deklara sa Baclaran church bilang isang tourist destination

Mar Rodriguez Oct 19, 2022
227 Views

Baclaran Church bilang tourist spot isinulong

ISINULONG ng isang veteran congressman ang panukalang batas sa Kamara de Representantes na nagde-deklara sa National Shrine of Our Mother of Perpetual Help o mas kilala nilang Baclaran Church bilang isang heritage site at tourist destination.

Inihain ni Romblon Lone Dist. Cong. Eleandro Jesus F. Madrona, Chairman ng House Committee on Tourism, ang House Bill No. 5168, para mai-deklara ang makasaysayang Baclaran Church bilang isang heritage site at tourist destination na matatagpuan sa Roxas, Boulevard.

Sa ilalim ng HB No. 5168 na isinulong ni Madrona, pangangasiwaan ng Department of Tourism (DOT), National Historical Commission of the Philippines (NHCP) at local government ng Paranaque ang pagsasa-ayos o pag-develop ng Baclaran Church bilang historical site.

Sinabi ni Madrona na kabilang sa mga gagawing paghahanda ng DOT, NHCP at iba pang ahensiya ng pamahalaan para sa nasabing makasaysayang simbahan ay ang paglalatag ng “development plan” para makapagsimula ng konstruksiyon at ilang installations.

“The DOT shall assist the local government of Paranaque in the implementation of the tourism development plan by providing technical assistance in tourism capacity building,” ayon kay Madrona.

Ayon pa kay Madrona, ang pondong gagamitin mula sa implementasyon ng proyekto para sa Baclaran Church ay magmumula aniya sa budget ng local na pamahalaan ng Paranaque. Kung saan, magbibiga din ang DOT ng karagdagang pondo para sa nabanggit na proyekto.