PS9

Wanted sa 9 kaso ng panggagahasa arestado

107 Views

NAARESTO ng pulisya ang isang lalaki na wanted sa siyam na kaso ng panggagahasa sa Quezon City.

Si Ariel Morada Suarez, 22-anyos, at residente ng Brgy. Bagong Silangan, Quezon City, itinuturing na no. 1 Station Level Most Wanted Person ng Anonas Police Station (PS 9).

Naaresto ang suspek alas-5:30 ng hapon sa tapat ng isang fast food chain sa Philcoa, Brgy. Old Capitol Site, Diliman, Quezon City.

Si Suarez ay inaresto sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni Hon. Fernado Tolosa Sagun Jr., Presiding Judge ng Branch 78, Regional Trial Court (RTC) ng Quezon City.

Walang piyansa na inirekomenda para sa kanyang pansamantalang kalayaan.