Dimayuga

Trak bawal muna sa Roxas Boulevard

124 Views

Ipagbabawal munang dumaan ang mga trak sa Roxas Boulevard na nagyon ay ginagawa.

Ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) aprubado na ang Resolution No. 22-16 na nagbabawal sa mga trak na may gross capacity weight na mahigit 4,500 kilo dumaan sa naturang kalsada.

Sinabi ni MMDA chairman Carlo Dimayuga III na maaaring dumaan sa mga alternatibong ruta ang mga trak.

Magtatagal umano ang pagbabawal hanggang sa matapos ang pagkumpuni ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa kalsada.

Makatutulong umano ang pagbabawal sa mga trak upang mabawasan ang mabigat na daloy ng trapiko sa lugar.