MMDA

MMC aprub sa paglalagay ng exclusive motorcycle lane sa Commonwealth Avenue, QC

100 Views

Maglalagay ng exclusive lane para sa motorsiklo ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa kahabaan ng Commonwealth Avenue sa Quezon City.

Ito ay matapos aprubahan ng Metro Manila Council (MMC) ang panukala upang mabawasan umano ang mga aksidente na kinasasangkutan ng mga motorsiklo.

Ang exclusive motorcycle lane ay ang ikatlong lane mula sa kanang bahagi ng kalsada na maaari umanong magbago depende sa kondisyon ng kalsada dahil sa mga proyekto sa lugar.

Ang outermost lane ng Commonwealth Avenue ay para naman sa mga bisikleta.

Maglalagay naman umano ng angkop na signage at marking sa lugar.