Yap

Cong. Paolo Duterte isinulong na mabigyan ng 14th month pay ang mga empleyado ng gobyerno, private sector

Mar Rodriguez Jun 6, 2023
163 Views

ISINULONG ni Davao City 1st Dist. Congressman Paolo Z. Duterte ang isang panukalang batas sa Kamara de Representantes na naglalayong mabigyan ng 14th Month Pay ang lahat ng empleyado mula sa gobyerno at private sector.

Ito ang nakapaloob sa House Bill No. 8361 na isinulong ni Duterte kabilang sina Congressmen Eric Yap ng Benguet at Edvic Yap ng ACT-CIS Party List bilang mga co-authors ng nasabing panuakalang batas.

Ipinaliwanag ni Duterte na na sakaling maging isang ganao na batas. Masasakop ng 14th month law ang ang lahat ng mga kawani sa pamahalaan at pribadong sektor, anuman ang kanilang “employment status.”

Sinabi pa ng mga kongresista na ang magiging schedule ng “pagre-release” ng kasalukuyang 13th month pay para sa mga empleyado ay ilalabas ng kanilang employers tuwing May 31 kada taon o bago sumapit ang araw na ito.

Samantalang ang 14th month pay naman anila ay ilalabas ng kanilang employer sa Nov. 30 o bago sumapit ang araw na ito.

Ayon kay Duterte, ang 13th month pay ay nasa ilalim ng Presidential Decree no. 851. Layon nito na maprotektahan ang antas ng sahod mula sa epekto ng “inflation” at para ipakita ang malasakit sa mga manggagawa upang sila ay makapagdiwang ng Pasko at Bagong Taon nang mayroong inaasahang pera.

Ngunit sa ngayon aniya, dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng mga bilihin at serbisyo sa ating bansa ay masasabi na hindi na sapat ang sweldo ng mga empleyado.

Naniniwala sina Duterte at mga kasamang mambabatas na sa pamamagitan ng 14th month pay, mabibigyang-pagkilala ang kontribusyon ng Filipino workforce; at mapapataas ang kanilang moral, motibasyon at pagiging produktibo.

Higit sa lahat, makakatulong anila ang 14th month pay bilang dagdag-budget ng mga empleyado, lalo na para sa mga gastos sa paaralan ng mga bata at medical expenses ng pamilya.