Romulo

Cong. Roman Romulo pinasalamatan si Speaker Martin Romualdez matapos pumasa sa ikalawang pagbasa ang mother tounge bill   

Mar Rodriguez Feb 3, 2023
219 Views
PINASALAMATAN ng Chairman ng House Committee on Basic Education and Culture si House Speaker Ferdinand Martin Gomez Romualdez matapos pumasa sa ikalawang pagbasa sa Plenaryo ng Kamara de Representantes ang isinulong nitong House Bill No. 6717.
Ipinaliwanag ni Pasig City Lone Dist. Cong. Roman T. Romulo, Chairman ng Basic Education and Culture Committee, na nilalayon ng House Bill No. 6717 na suspendihin ang paggamit ng “mother tounge” bilang medium of instruction sa Kindergarten hanggang Grade 3.
Sinabi ni Romulo na nakapaloob din nasabing panukala na aatasan ang Department of Education (DepEd) sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan  nito sa Komisyon sa Wikang Pilipino na magpalimbag ng mga aklat at iba pang gamit at materyales sa pagtuturo na isinalin sa mother tounge.
Ayon kay Romulo, ito ay upang tugunan ang kakulangan ng mga materyales sa pagtuturo sa mother tounge sa mga paaralan at tiyakin ang pagsunod o pagtalima batay sa itinatakda ng Konstitusyon.
Binigyang diin ni Romulo na sa kasalukuyan ay kulang ang mga learning materials na isinalin sa mother tounge language para matiyak na ang de-kalidad na edukasyon na accessible sa lahat ng mag-aaral na ginagarantiyahan naman ng Saligang Batas.
“We all know as a fact that in order for us to provide quality education, it is imperative that our teachers, our learners, be provided with books and learning materials. Absence of any of these it seems that it becomes impossible to provide quality education,” ayon kay Romulo.