Just In

Calendar

May 2025
M T W T F S S
 1234
567891011
12131415161718
19202122232425
262728293031  
Sandro

Cong. Sandro naghain ng COC para sa 2nd termino

Chona Yu Oct 7, 2024
317 Views

PERSONAL na sinamahan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang anak na si Congressman Sandro Marcos sa paghahain ng kandidatura sa Laoag City, Ilocos Norte.

Kung papalarin, ito ang magiging ikalawang termino ni Congressman Sandro.

Kasama ni Congressman Sandro sa paghahain ng certificate of candidacy ang ina na si First Lady Liza Marcos, tiyakin na si Irene Marcos sa Commission on Election Ilocos Norte Provincial Office sa Laoag City.

Bumiyahe pa si Pangulong Marcos mula Manila patungo sa Laoag para samahan ang anak matapos ang bilateral meeting kay South Korean President Yoon Suk Yeol sa Malakanyang.

Pagkatapos nito, hinarap muna ni Pangulong Marcos ang Korean at Filipino businessmen sa Philippines-Korea Business Forum sa Manila Hotel.