Dahil sa pagnanakaw, lalaki nasakote
Nov 3, 2026
Calendar
Ang arestadong suspek. Kuha ni JONJON C. REYES
Metro
CP snatcher na RIT na wrong-number; suspek na rider nakatakas, angkas huli
Jon-jon Reyes
Jun 29, 2025
471
Views
ARESTADO ng mga tauhan ng Manila Police District-Sta. Cruz police station 3 ang back rider pero nakatakas ang rider matapos manghablot ng cellular phone noong Biyernes sa Rizal Avenue at Tayuman St., Sta. Cruz, Manila.
Nakilala ang naarestong suspek na si alyas Bernardo, 23, pero hinahanap pa ang rider na si alyas Kenneth.
Sa ulat nina Police Executive Master Sergeant Peter Joseph Villanueva, bandang alas-9:56 ng gabi ng maganap ang snatching.
Sakay ng tricycle ang biktimang si RJay, 28, ng hablutin ng backride ang cellphone ng biktima.
Nagsisisigaw ang biktima na nag resulta sa kawalan ng balanse ng suspek kaya naiwan ng rider.
Nagkataon na nagpa-patrol ang mga pulis malapit sa pinangyarihan lugar at nahuli ang suspek.
Dahil sa pagnanakaw, lalaki nasakote
Nov 3, 2026
2 motor nagbanggaan, 3 sugatan
Nov 3, 2026
Pagnenegosyo sa QC pinadali, pinakonti dokumento
Nov 3, 2026
Pulis tigok matapos matisod, baril pumutok
Nov 3, 2026

