Calendar
Larawan: Miss Universe/IG
Crown clash sa Miss Universe
UMINGAY ang pageant world matapos maglabas ng pahayag ang Miss Universe Organization (MUO) na nililinaw na hindi ito for sale — isang direktang sagot sa kumakalat na usap-usapang may bentahan umano ng korona.
Ayon sa MUO, nananatili itong nasa kasalukuyang pamunuan at pagmamay-ari, at tanging ang kanilang opisyal na channels lamang ang dapat pagkunan ng beripikadong impormasyon.
Sumabog ang isyu kasunod ng pahayag ni Chavit Singson, na nagsabing may nakatakda raw siyang pakikipag-usap para sa posibleng acquisition ng global pageant brand. Sa social media, iginiit pa ng dating gobernador na hindi na umano hawak ng dating owners ang MUO, isang pahayag na agad sinalubong ng paglilinaw mula sa organisasyon.
Sa opisyal na statement, binigyang-diin ng MUO ang kanilang 75-taong pamana at ang patuloy na paninindigan sa transparency at integridad. Dagdag pa, aktibo na raw na kinokonsulta ang kanilang legal advisers kaugnay ng umano’y false at misleading statements na kumakalat.
“We encourage our partners, community, and members of the media to rely solely on our official channels for accurate and verified information. Grounded in our legacy and focused on the future, Miss Universe continues its work advancing women’s empowerment and meaningful impact worldwide,” pahayag ng MUO
Hindi rin nawala sa usapan ang kontrobersiyal na edisyon ng pageant ngayong taon, kung saan si Miss Mexico ang nagwagi sa gitna ng alegasyon ng favoritism — mga paratang na patuloy pang tinatalakay online. Nadawit din sa diskurso ang mga pangalan nina Anne Jakrajutatip at Raul Rocha, na binanggit sa magkakasalungat na pahayag; nanatiling maingat ang MUO sa pagbibigay ng detalye.
Narito ang buong pahayag ng naturang organisasyon: https://www.instagram.com/p/DTBkVGEklog/.

