DA

DA papalakasin pa seaweed industry ; P1.06B pondo inilaan

Cory Martinez Nov 11, 2024
48 Views

NAGLAAN ng P1.06 bilyon ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) para gagamitin sa pagpapaunlad ng industriya ng seaweed sa bansa.

Ayon kay Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel, Jr., bahagi ng Department of Agriculture (DA) ang Enhanced Philippine Seaweed Development Program (EPSDP) na naglalayong palakasin pa ang aquaculture sector, partikular ang seaweed industry na isa sa pangunahing produktong ini-export ng Pilipinas.

“BFAR data reveals significant growth potential for seaweed farming with an identified expansion of 64,000 hectares that could increase annual output by more or less 50%.

This represents a low-hanging fruit that could create thousands of jobs and substantially boost the country’s foreign exchange earnings,” paliwanag ni Tiu Laurel.

Sinabi naman ni BFAR Officer-in-charge Isidro Velayo Jr., ilalaan sa pamimigay ng seaweed ng farm implement, pagtayo ng may 109 na bagong nursery at pagpapanatili ng kasalukuyang 24 na seaweed culture area ang mahigit sa kalahati ng pondo.

“We will also construct eight warehouses, 34 mechanical dryers and 80 seaweed food carts to be distributed across the country,” ani Velayo.

Binunyag pa ni Velayo na inilaan naman ang halagang P10-milyon para sa pagbili ng dalawang bioreactors na inaasahang magpo-produce ng 4,100 metriko tonelada ng propagules o seaweed planting material.

Ayon pa sa opisyal, sapat na ang mga propagules na ito na magtanim at magparami ng seaweed sa may 410 na ektaryang taniman at inaasahang magpo-produce ng 102.5 milyong kilo ng sariwang seaweed na may halagang P850 milyon sa halagang P58 kada kilo.

Batay sa datos ng Philippine Statistics Authority, nakakapagproduce ang industriya ng 1.6 milyong metriko tonelada ng sariwang seaweed noong 2023 na nagresulta sa produksiyon ng may 228,570 metriko tonelada ng produkto ng seaweed at may kabuuang halaga na P12.7 bilyon.

Sinabi pa ni Velayo na mayroong 20,000 ektarya ng potential seaweed farming area ang Tawi-tawi na karagdagan sa kasalukuyang 62,000 ektarya ng seaweed farm.

Mayroon ding 12,736 ektarya na maaaring seaweed farming area sa southwestern Luzon at 16,845 ektarya sa Zamboanga Peninsula.