Loren

Dagdag benepisyo sa mga guro hiling ni Legarda

229 Views

INAPELA ni Senadora Loren Legarda kahapon ang karagdagan na benepisyo at proteksyon para sa mga guro at iba pang mangagawa sa mga pampublikong paaralan na naghahandog ng kanilang serbisyo sa mga kabataan sa pamamagitan ng kaniyang panukala na Senate Bill No. 2 kung saan ay hinihingi niyang na ma amyendahan ang probisyon ng Republic Act No. 4670 o kilala bilang Magna Carta for Public School Teachers.

Sa ilalim ng karagdagan benepisyo sa panukala ni Legarda sa SBN 2, iginiit niya ang probisyon ng security of tenure at fair wages for school personnel. Ang nasabing panukala ay magbibigay proteksyon sa mga guro at mga mangagawa sa pampublikong eskwelahan upang makuha nila ang karagdagan benepisyo anuman edad, kasarian ng mga ito bilang kanilang karapatan.

“The minimum base pay for teachers working in public schools starts at Salary Grade 11 or roughly P25,400 per month. We want to give them fair salaries through this measure that we just filed,” ani Legarda.

“We care for our teachers as they are vital to our education system, and just like our healthcare workers, they, too, are at the forefront,” dagdag na nito.

Napapanahon na aniya upang bigyan proteksyon ang kanilang karapatan sa mga ganitong benepisyo pati na rin ang karapatan na mag leave o magbakasyon at ang pagbibigay ng violation sakaling hindi sila pahintulutan ng nakasaad sa batas.

“We owe much of our achievements to our teachers and non-teaching personnel, and we want to promote their social, economic, and professional status. We must create policies that are beneficial to them so they would be able to help their families as much as they help our youth enrich themselves through quality education,” ani Legarda.