Suspek Kinilala ni Police Lieutenant Col. Rommel Anicete ang akusado na may kasong Illegal recruitment na natunton sa kulungan ng MPD headquarters sa UN Avenue, Ermita, Manila.

Dahil sa illegal recruitment, babae inaresto

Jon-jon Reyes Jul 14, 2026
29 Views

TIMBOG sa mga operatiba ng Manila Police District-Baseco Police Station 13 sa jail facility ng MPD headquarters sa UN Avenue Manila ang 41-anyos na ginang dahil sa illegal recruitment noong Martes.

Nakilala ang suspek na si alyas MJ, 41, ayon kay Police Lieutenant Colonel Rommel Anicete, hepe ng MPD Baseco Police Station 13.

Bandang alas-1:00 ng hapon ng magtungo sina P/Lt. Apolonio Ellao sa himpilan ng Warrant of Arrest and Subpoena Section sa MPD headquarters upang isilbi sa akusado ang arrest warrant na isyu ni Judge Edmar Pascual Castillo Sr., Presiding Judge ng RTC Second Judicial Region, Branch 11, Tuao, Cagayan.

Inirekomenda ang piyansang P120,000.00 para sa pansamantalang paglaya ng suspek.

Ang akusado ay kabilang sa talaan ng Most Wanted Person, ayon sa report.

Gumamit ang mga operatiba ng alternative recording device bilang pagsunod sa mga tuntunin ng Korte Suprema at nasa kustodiya ng himpilan ang akusado.