Calendar
Dahilan ng dagdag singil sa SSS ipinaliwanag ni De Claro
Hindi na mapipigil pa ang Social Security System sa pagpapatupad ng taas singil sa kontribusyon sa mga miyembro nito sa Enero.
Ito ay kahit na humihirit ang ilang mambabatas na suspendihin ang implementasyon ng dagdag singil sa kontribusyon ng mga SSS members ngayong taon.
Sa pulong balitaan sa Malakanyang, sinabi ni SSS President at Chief Executive Officer (CEO) Robert Joseph de Claro na kailangan na malaman ng publiko na kapag ipinagpaliban ang paniningil ng dagdag kontribusyon ay mahihirapan rin ang mga miyembro na makuha ang benepisyong dapat nilang matanggap.
Nilinaw naman ni de Claro na naiintindihan nila ang sintemyento ng ibang grupo subalit bukod sa maapektuhan ang mga miyembro ng SSS ay sinusunod lang nila ang batas na nakapaloob dito na RA 11199 na sinimulan pa noong 2019.
Malaki rin aniya ang magiging pakinabang ng mga miyembro kapag nagretiro dahil magiging tubong lugaw ito mula P30 kada araw o katumbas ng P190 kada buwan na dagdag sa kanilang kontribusyon.
Siniguro naman ni de Claro na ito na ang huling taas kontribusyon sa SSS dahil wala nang ganitong hakbang sa hinaharap.
Nanawagan din ang opisyal sa mga mambabatas na magbigay ng subsidiya sa panukalang taas kontribusyon sa mga miyembro ng SSS.