Calendar
Nagbigay ng mensahe si PAGCOR Chairman at CEO Alejandro H. Tengco sa mga dumalo sa culminating activity ng Women’s Month celebration ng ahensya noong Marso 25 sa PAGCOR Corporate Office sa Pasay City.
DAKILA: A Celebration of Fine Women ginanap ng PAGCOR

PINARANGALAN ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) ang mga natatanging babaeng lider at matagal nang naglilingkod na empleyado sa culminating activity ng Women’s Month na “DAKILA: A Celebration of Fine Women,” na ginanap sa tanggapan ng ahensya sa Pasay City noong Miyerkules, Marso 25.
Kabilang sa mga tumanggap ng Dakilang Babaylan Award sina San Juan City Rep. Ysabel J. Zamora-Jornada, Iloilo City Mayor Raisa S. Treñas, Manila Vice Mayor Chi I. Atienza, at John Clements Consultants, Inc. President at CEO Carol V. Dominguez bilang pagkilala sa kanilang pamumuno at impluwensya.
Samantala, ginawaran naman ng Dakilang Juana Award sina Zenaida Gebaña ng Casino Filipino Tagaytay (40 taon sa serbisyo), Jocelyn Sales ng Casino Filipino Bacolod (39 taon), at Elsa Carreon ng Casino Filipino Malabon Grand (37 taon) para sa kanilang dedikasyon, propesyonalismo, at mahalagang ambag sa PAGCOR.
Ayon kay PAGCOR Chairman at CEO Alejandro H. Tengco, ipinakikita ng mga parangal ang diwa ng Babaylan o ang mga babaeng lider, manggagamot, at tagapayo noong panahon bago dumating ang mga mananakop.
“Today, we may no longer use the word Babaylan in everyday conversation, but we certainly recognize its undying spirit,” ani G. Tengco.
Dagdag pa niya, ang pagdiriwang ng Women’s Month ay patunay ng patuloy na suporta ng PAGCOR sa isang inclusive at empowering na workplace para sa lahat.
“As we move forward, may we continue to support one another and nurture a workplace where everyone—women and men alike—can grow, lead, and succeed,” aniya.
Bukod sa pamimigay ng award, nagsagawa rin ang PAGCOR sa buong buwan ng Marso ng iba’t ibang aktibidad para sa kapakanan at empowerment ng kababaihan, kabilang ang health at wellness webinars, Zumba sessions, women’s bazaar, all-women bingo, at Lenten pilgrimage.

