macbeth

Damit at musika sa Macbeth 20th anniversary show

265 Views

ISANG malaking pagtatanghal ang gagawin ng apparel brand na Macbeth sa pagdaraos nito ng ika-20 taon sa Oktubre 8 sa Metrotent sa loob ng Metrowalk, Meralco Ave. sa Pasig City.

Magbubukas ang venue sa ganap na ika-11 ng umaga. Kasama sa line up ng mga performer ang mga sikat na bandang Chelsea Alley, Urbandub, Rico Blanco, Mayonnaise, Chocolate Factory,

Sandwich, Hilera, Even, Snakefight, Sucketseven, Fragments, Chndtr, Fastpitch, Soapdish, Written By The Stars, Divina, Lilith, Shotgun Combo, Imbue No Kudos, Rouge, at ang Macbeth All-Stars and Superband.

Kasabay din nito ang paglulunsad ng Lady Macbeth at Macbeth Underwear.

Maaring manood ang 18 years old pataas, bagama’t papayagan ang mga 13 hanggang 17 taong gulang kung may kasamang responsableng adult o mas matanda sa kanila.

Ang mga bibili ng mga Macbeth merchandise na nagkakahalaga ng P1,200 ay magkakaroon ng libreng ticket. Gayunman, maari ring mabili ang tikert sa halagang P600.

Bisitahin lamang ang www.macbethph.com o saan mang participating Macbeth Studio Shops sa SM City North Edsa, SM City Manila, SM City Fairview, SM City Fairview 1 and 2, Farmers Plaza, Metropoint Mall, Sta. Lucia East Grand Mall, SM City Taytay, Ever Commonwealth Center, SM City Marilao, SM City Bacoor, SM City Sta. Rosa, Robinsons Place Lipa, Robinson Starmills, SM Center Imus, at SM City Rosario.

Concert