DAR

DAR-Cotabato susunod sa RA na buburahin utang ng ARBs

Cory Martinez Nov 9, 2024
111 Views

NAKAHANDA na ang Department of Agrarian Reform (DAR) sa probinsiya ng Cotabato na huwag nang pagbayarin ang mga agrarian reform beneficiaries (ARB) ng kanilang mga utang sa agraryo.

Ito ay matapos na magsagawa ang DAR ng oryentasyon sa naturang probinsiya hinggil sa implementasyon ng New Agrarian Emancipation Act (NAEA) o Republic Act No. 11953.

Nilagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. noong Hulyo 7, 2023 ang naturang batas na naglalayon na mabura na ang lahat ng mga hindi nabayarang
principal amortizations, interes, at surcharges sa mga lupang agrikultura na ibinigay sa ilalim ng agrarian reform program ng pamahalaan.

Natuon ang naturang oryentasyon sa pagbibigay ng nararapat na instrumento at kaalaman ang may 30 Municipal Agrarian Reform Program Officers (MARPOs) at 53 support staff para sa epektibong pagpapatupad ng batas.

Ayon kay Provincial Agrarian Reform Program Officer II Evangeline Bueno,
mayroong 9,399 na agrarian reform beneficiaries (ARBs) sa North Cotabato
ang makikinabang sa bagong batas sa pamamagitan ng pag-isyu ng mga
Certificates of Condonation with Release of Mortgage (COCROM) sa mga karapat-dapat na benepisaryo.

Ang pamamahagi ng COCROM ang pangunahing mandato ng NAEA.

“We want to be completely prepared so that we can smoothly, efficiently, and effectively implement the law so that the ARBs can enjoy the benefit this law may bring,” ani Bueno.

Binigyan ang mga kalahok sa oryentasyon ng kaukulang template upang mapag-isa ang estado ng kanilang target at accomplishment na gagamitin naman para sa susunod na MARPOs assessment.