Calendar
Davao de Oro Gov. tumugon sa panawagan ng BBM-Sara tandem na magkaisa
TUMUGON si Davao de Oro Governor Jayvee Tyron Uy sa panawagan nina UniTeam presidential candidate Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., at vice presidential aspirant Sara Duterte na magkaisa para sa mabilis na pagbangon ng bansa.
Sa kanyang pagharap sa libu-libong suporter, sinabi ni Duterte na nais ng UniTeam na gumagawa ng mga hakbang upang dumami ang mapapasukang trabaho sa bansa, pataasin ang kalidad ng edukasyon at gawing mapayapa ang pamumuhay sa bansa.
Suportado ni Uy at Vice Gov. Maricar Zamora ang plano ng UniTeam.
“Kami nagatuo sa ilang gidala nga unity platform. Usa pod mi ka believer ana sa Davao de Oro because through unity sa mga political leaders, mahimo jud nga paspas ang mga progreso sa usa ka lugar,” sabi ni Gov. Uy.
Ayon naman kay Zamora mahalaga ang na dinggin ang panawagan ng UniTeam.
“Our country needs economic recovery, and the BBM-Sara tandem sees that need. We need to bounce back from the impact of the pandemic, and the UniTeam has the most profound platform to resolve the national issue,” sabi ni Zamor.
Sinabi ni Zamora na ang plano ng UniTeam ay katulad din ng nais na mangyari ng mga lokal na pamahalaan.