Roman

Dayuhang mamumuhunan pakinggan sa pag-amyenda sa Konstitusyon—Reps Roman, Bongalon

119 Views

BAGAMAT iginagalang ng mga miyembro ng Kamara ang naging pahayag ni dating Supreme Court (SC) Associate Justice Antonio Carpio sa iysu ng pag-amyenda sa ilang restrictive economic provisions ng Konstitusyon, iginiit ng mga ito ang pangangailangan na pakinggan ang sinasabi ng mga dayuhang mamumuhunan kung bakit nagdadalawang-isip silang magnegosyo sa Pilipinas.

Ayon kay Bataan 1st District Rep. Geraldine Roman, chairperson ng House Committee on Women and Gender Equality, na dapat ding mapakinggan ang mga potensyal na mamumuhunan. Dahil sila ang nakakaranas ng mga hamong kinakaharap bago makapagtayo ng negosyo sa Pilipinas.

“Syempre we respect former justice Carpio. He’s a man of great experience. But between theory and practical, practically you know and real talk ika nga sinasabi natin, pakinggan natin ‘yung mga investors and I think it doesn’t take much to be observant no and compare our situation and that of other countries,” ayon kay Roman.

Tinutukoy ni Roman ang naging pahayag ni Carpio, na aniya’y tila kakulangan sa pag-unawa ng ating mga pinuno sa lawak ng dayuhang pagmamay-ari, sa ilalim ng batas, ng mga negosyo sa ating bansa.

Ayon sa dating mahistrado, marami nang naisabatas ang Kongreso na nagbibigay daan sa dayuhang pagmamay-ari, na isa sa mga pangunahing argumento ng mga nagsusulong ng reporma sa Konstitusyon, na aniya ang nagpapahina sa argumento para sa Cha-cha

“But between theory and practical, practically you know and real talk ika nga sinasabi natin, pakinggan natin ‘yung mga investors and I think it doesn’t take much to be observant no and compare our situation and that of other countries,” paliwanag ni Roman.

“Sabi nga nila we have a Constitution that is so specific and unfortunately its too specific when it comes to the economic provision. When in general you go around the world, ang Constitution is just a decoration of principles filled with motherhood statements your ultimate objectives and it gives leeway and space for Congress to legislate the laws,” dagdag pa ng mambabatas.

Sumasang-ayon din si House Assistant Majority Leader at Ako Bicol Party-list Rep. Jil Bongalon, sa mga ipinunto ni Roman sa mga pahayag ng dating mahistrado.

“With regard to that issue, what we have is a retired Justice who is saying that we have already enough laws that would answer to these problems, but pakinggan ho natin ‘yung foreign investors, sinasabi nila we have restrictive economic provisions under [the] 1987 Constitution,” ayon kay Bongalon.

“Ibig sabihin, hindi ho sapat ‘yung mga batas na ipinapasa ho ng Kongreso para ma-encourage po ang ating foreign investors na mag-negosyo sa ating bansa. ‘Yun lamang po ang dapat na malinaw sa atin pong mga sambayanang pilipino na, we have to amend the restrictive economic provisions, it is now the best time to amend our fundamental of the land,” binigyan diin pa ng mambabatas.

Sina Roman, Bongalon, at ang iba pang mga mambabatas na sumusuporta sa Cha-cha ay naniniwala na ang pag-alis sa economic restrictions ng Saligang Batas ay magbubunga ng pag-usbong ng dayuhang pamumuhunan sa Pilipinas.