Pangandaman

DBM inaprubahan P335M pondo para sa BARMM

117 Views

INAPRUBAHAN ng Department of Budget and Management (DBM) ang pagbibigay ng P355.8 milyong pondo sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).

Ayon kay DBM Secretary Amenah F. Pangandaman ang pondo ay ang share ng BARMM sa buwis na nakolekta ng gobyerno sa rehiyon.

“As a fellow Muslim, I am happy that in my capacity as Budget Secretary, I have the opportunity to champion programs for BARMM and Mindanao. As mentioned, the DBM will continue to help BARMM, in every way we can, in their transition process,” ani Pangandaman.

Sinabi ni Pangandaman na ang dagdag pondo ay nangangahulugan ng dagdag na proyekto at programa para sa mga taga- BARMM.