De Lima: PBBM nakapagbigay ng ‘democratic space’ sa bansa

135 Views

NARAMDAMAN ni dating Sen. Leila de Lima ang pagkakaroon ng “democratic space” sa lalim ng pamumuno ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.

“Under BBM, we are given the opportunity to make use of a democratic space in transition from the authoritarian regime that was Duterte’s,” sabi ni De Lima sa kanyang speech sa Foreign Correspondents Association of the Philippines (FOCAP) na ginanap sa The Manila Hotel noong Huwebes.

Si De Lima ay nakulong sa ilalim ng Duterte administration dahil sa pagtuligsa nito sa madugong war on drugs ni dating Pangulong Duterte. Bagamat anim na taon lamang sa puwesto si dating Pangulong Duterte, pitong taon nagtagal sa kulungan si De Lima.

“This is a breathing room from the seven years of nightmare that we thought was all over in 1986 and never to return again. But it did,” sabi ni De Lima.

Ayon kay De Lima, ibinalik ni Pangulong Marcos ang “normal order” sa bansa kung saan ang bawat isa ay may layang magsalita at hindi natatakot na gagamitin laban sa kanila ang lakas ng gobyerno.

“For the elite, therefore, Marcos is a blessing. He brought the rent-seeking order back to its favored normal and stable character, where everyone in the system gets a chance to partake,” wika pa ni De Lima.

Nauna ng sinabi ni De Lima na handa itong tumestigo sa International Criminal Court (ICC) na nagsasagawa ng imbestigasyon kaugnay ng crimes against humanity na kinakaharap ni Duterte kaugnay ng libu-libong pinaslang sa kanyang war on drugs.

Sinabi ni dating Sen. Antonio “Sonny” Trillanes na maaaring magpalabas ng warrant of arrest ang ICC laban kay Duterte at mga kasabwat nito gaya ni Sen. Bato dela Rosa, na hepe ng pambansang pulisya ng magsimula ang sinasabing extrajudicial killings (EJK) sa bansa.

“Doon sa ICC, ang naipasa sa ating impormasyon, ay natapos na nila ang kailangan nilang gawin dito sa ating bansa. Pero sakaling babalik man yan ay para kumuha pa ng ibang ebidensya para doon sa mga secondary level na iba pang akusado or respondents,” ani Trillanes, isa sa mga unang naghain ng kaso laban kay Duterte sa ICC.

“Pero para sa mga pangunahin na respondents, palagay ko kumpleto na o tapos na yun kaya mag-aantay na lang ng warrant of arrest, which may come very, very soon,” dagdag pa ni Trillanes.

Marami sa mga opisyal ni Duterte ang tumatayong kapwa akusado ito sa ICC.

“The way they sounded noong sila ang nakapwesto sa poder, parang forever eh. They didn’t realize na may balik yan. That is how the world works,” sabi ni Trillanes.

Tinuligsa rin ni Trillanes si Dela Rosa dahil sa paghiling sa gobyerno na i-deport ang mga imbestigador ng ICC.

“Bato has a conflict of interest since he is named as one of the persons in the complaint. Precisely, may conflict of interest ka. Gagamitin mo yung platform mo as a senator to protect yourself,” dagdag pa ni Trillanes.