Dennis

Dennis Trillo may kakambal na ‘ahas’ sa ‘#MPK’

219 Views

DAHIL sa insistent public demand, ibinabalik ng hit drama anthology na ‘Magpakailanman’ ang episode na ‘Ang Kambal Kong Ahas.’ Gaganap si Kapuso Drama King Dennis Trillo bilang kambal na sina Michael at Lucas.

Bilang identical twins na magkasalungat ang personalidad, madalas silang maikumpara sa isa’t isa. Dahil dito, lalaki silang tila magkaribal.

Lalo pang iigting ang kanilang tunggalian nang ikasal si Michael kay Melissa, karakter naman ni Rhian Ramos.

Mamamagitan kasi si Lucas kina Michael at Melissa. Magpapanggap si Lucas bilang si Michael para makuha si Melissa.

Matutuklasan ni Melissa ang panlilinlang na ito, pero tila huli na ang lahat dahil nagbunga na ang kanilang engkuwentro.

Tunghayan ang “Kakambal Kong Ahas,” July 2, 8:15 p.m. sa Magpakailanman hosted by Mel Tiangco.