DepEd nakompleto na dokumento para sa bonus ng mga guro

211 Views

NAISUMITE na umano ng Department of Education (DepEd) ang mga dokumentong kailangan para sa 2021 Performance-Based Bonus (PBB) ng mga guro sa pampublikong paaralan at iba pang kawani nito.

Ayon sa DepEd nakikipag-ugnayan ito sa Inter-Agency Task Force on the Harmonization of National Government Performance Monitoring, Information and Reporting Systems (AO25 Secretariat) at Department of Budget and Management (DBM) kaugnay ng pagpapalabas ng pondo para sa naturang bonus.

“We understand that it is undergoing assessment now, and we look forward to its release as soon as possible,” sabi ng DepEd sa isang pahayag. “We urge DepEd personnel not to fall into the treacherous tales intended to ignite distrust and anger against the agency —whipped up by shadowy groups whose intentions to cause harm and destroy are disguised as concern.”

Ang halaga ng ibibigay na PBB ay nakadepende sa naging performance ng mga empleyado ng ahensya sa partikular na taon.