Sara

DepEd pinaplano mandatory scouting

154 Views

PINAPLANO ng Department of Education (DepEd) na gawing mandatory ang scouting.

Ayon kay Vice President at Education Secretary Sara Duterte pinag-uusapan sa ahensya na isama ang scouting sa academic program.

“This is something that we have been discussing within the Office of the Secretary of the Department of Education—on how to integrate mandatory scouting into the Filipino Peace Culture curriculum,” ani Duterte sa ika-66th Annual National Council Meeting of the Boy Scouts of the Philippines na ginanap sa Leyte.

Sinabi ni Duterte na makatutulong ang programa sa paghubog ng mga Pilipino na may katangi-tanging pag-uugali.

“The values that young Filipino boys learn from the Scout Movement—honesty, integrity, respect, and service to others—are necessary for our pursuit of a strong, secure, and stable nation,” dagdag pa ng Kalihim.

Hinamon din ni Duterte ang Boy Scouts of the Philippines na suportahan ang MATATAG agenda ng DepEd na naglalayong tulungan ang mga batang Pilipino na makapag-aral.