Calendar

Deputy Speaker Duke Frasco naghain ng cyber libel case laban kay Roberto Tiglao
NAGHAIN ng kasong cyber libel si Deputy Speaker Vincent Franco “Duke” Frasco laban sa mamamahayag na si Rigoberto Tiglao kaugnay ng paratang nito na siya ay nagbayad para pumirma ang mga kongresista sa impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte.
“Such accusation is not only false but also tarnished my reputation as Deputy Speaker in Congress,” pahayag ng Deputy Speaker matapos ihain ang reklamo.
Binigyang-diin ng mambabatas na ang kanyang boto sa impeachment complaint ay nakabatay lamang sa kanyang prinsipyo at sa kanyang paninindigan para sa kapakanan ng kanyang mga nasasakupan.
“I can categorically say that my vote was based on my principles and my own determination on what is best for my constituents in my district. My vote and my principles are not for sale,” dagdag pa nito.
Habang ipinapahayag ang kanyang respeto sa papel ng media sa isang demokratikong lipunan, kinondena ng Deputy Speaker ang walang ingat na mga isinusulat.
“I will not tolerate these reckless and irresponsible acts masquerading as editorial and opinion journalism,” aniya.
Binanggit din ng Deputy Speaker na naglabas na ng paghingi ng paumanhin ang The Manila Times noong Pebrero 19, 2025, kung saan inamin nito ang maling impormasyon sa artikulo ni Tiglao.
Sa naturang paghingi ng paumanhin, sinabi ng pahayagan na ang ganitong mapanlinlang at walang basehang atribusyon ay hindi dapat ginawa at kinilala na ang hindi beripikadong artikulo ay nagdulot ng malaking pinsala sa reputasyon ng mambabatas.
Ang karera ng Deputy Speaker ay sumasaklaw ng halos dalawang dekada, nagsimula bilang pinakabatang municipal mayor ng Liloan mula 2007 hanggang 2016, pagkatapos ay nagsilbing bise alkalde at kalaunan ay naging komisyoner ng Cebu Ports Authority mula 2017 hanggang 2019.
Simula 2019, naglingkod siya bilang mambabatas at dalawang beses ng muling nahalal.
“My service has been marked by initiatives designed to advance educational opportunities, provide medical assistance, create economic pathways through employment and livelihoods, and foster long-term community development through infrastructure projects and improved health and education facilities,” sabi ng mambabatas.
“My record speaks for itself—a commitment to integrity, transparency, and my district’s welfare,” wika pa nito.
“This legal action is not just about defending my personal honor; it is a stand for truth and accountability in media practices. I remain firm and resolute in my mission to serve with transparency and dedication, as my constituents deserve nothing less,” saad pa ni Frasco.