Manalo

DFA ikinatuwa pangako ng US

167 Views

IKINATUWA ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang pangako ng Estados Unidos na makiki-isa sa pagpapalaganap ng kapayapaan, kasaganahan, at pagsunod sa international law-based order sa Southeast Asia.

Sinabi ni Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo na nakausap nito si US Secretary of State Antony Bliken na nangako na magiging katuwang ito ng Pilipinas sa pagtataguyod ng kaayusan sa rehiyon.

“Spoke w/ @SecBlinken. Appreciate US commitment to alliance and to PH as equal and sovereign partner in promoting peace, prosperity & international law-based order in the region,” sabi ni Manalo sa isang post sa Twitter.

Nagkasundo rin umano ang dalawa na patuloy na magtutulungan sa pagpapalakas ng supply chain, pagtugon sa epekto ng climate change, at paglipat sa paggamit ng mas malinis na enerhiya.