Mga iskolar ng SM lisensiyadong inhinyero na ngayon
Nov 28, 2026
Bea, 2nd runner-up sa Best NatCos ng Miss Universe
Nov 28, 2026
Buwanang fitness test ginanap para sa BPPO
Nov 28, 2026
Calendar
Larawan: Ai-Ai delas Alas
Showbiz
Di pantay na paa dahilan ng mga pananakit ni Ai-Ai
Peoples Taliba Editor
May 16, 2026
418
Views
IBINAHAGI ni Ai-Ai delas Alas na matapos niyang ipasuri ang kanyang plantar fasciitis at pananakit sa kaliwang tuhod, natuklasan umano ng kanyang doktor na mas maikli ng halos isang sentimetro ang kanyang kaliwang paa kumpara sa kanan.
Ayon kay Ai-Ai, posibleng ito umano ang dahilan kung bakit karamihan sa kanyang nararanasang pananakit ay nasa kaliwang bahagi ng kanyang katawan, bukod pa sa kanyang spinal condition.
Sa hiwalay na post, sinabi rin ng komedyante na bumisita siya sa Apu Mamacalulu Shrine upang magpasalamat sa mga biyayang natatanggap niya, kabilang ang kanyang kalusugan, pamilya, mga proyekto, at matagumpay na pagtatapos sa Hyrox event.
“IN HIS time not my time amen,” ani Ai-Ai.
Bea, 2nd runner-up sa Best NatCos ng Miss Universe
Nov 28, 2026

