Calendar
Larawan: Kim Chiu
Kim Chiu nagsalita ukol sa pambabatikos
NAGLABAS ng saloobin si actress-TV host na si Kim Chiu matapos umano siyang makatanggap ng pambabatikos dahil sa kanyang mga pahayag online.
Sa isang post, sinabi ni Kim na nalulungkot siya sa sitwasyon kung saan agad umanong pinatatahimik ang mga taong may opinyon na hindi tugma sa pananaw ng iba.
“Nakakalungkot. That’s what happens when concern and opinion don’t align with them—gusto agad patahimikin,” ani Kim.
Ipinunto rin ng aktres na bilang Pilipino ay may karapatan siyang magsalita at magpahayag ng kanyang saloobin, anuman ang kanyang pinagmulan.
“Oo, Bisaya ko, pero Pilipino rin akong may karapatang magsalita at magpahayag ng saloobin,” dagdag pa niya.
Ayon pa kay Kim, masakit makita ang mga isyung kinahaharap ng bansa lalo na bilang mga mamamayang nagbabayad ng buwis.
“Hindi po tayo ang magkakalaban. Pare-pareho lang tayong mamamayan,” saad niya.
Sa huli, nanawagan siya ng respeto at pag-unawa sa isa’t isa sa gitna ng magkakaibang pananaw.
