P2M shabu nasabat sa Subic
Oct 15, 2026
NLEX-Quirino Ave. connector matatapos na
Oct 15, 2026
Hontiveros: PWDs ‘di dapat gawing katatawanan
Oct 15, 2026
Calendar
Larawan: Sachzna Laparan
Showbiz
Sachzna: May aral na natutunan sa ‘insensitive’ na post
Peoples Taliba Editor
May 14, 2026
411
Views
HUMINGI na ng paumanhin si Sachzna Laparan matapos makatanggap ng batikos online dahil sa kanyang kontrobersyal na Facebook post na may kinalaman sa kaguluhan sa mundo habang nagpo-promote ng bentahan ng cellphone.
Sa kanyang unang post, sinabi ni Sachzna: “Ang gulo na ng nangyayari sa mundo 😭 Comment na lang kayo kung gusto nyo ng phone, ubusin ko na stocks ko dito!”
Dahil dito, marami ang bumatikos at nagsabing insensitive umano ang timing ng kanyang promotional post.
Kalaunan ay naglabas ng apology statement ang content creator.
“Na-realize ko na sobrang insensitive ko, and I’m sorry. Inuna ko lang talaga yung work and promotion without realizing how it could affect others,” saad niya.
Dagdag pa niya, “Lesson learned. Love you all.”

