Diesel posibleng tumaas ng P12/litro sa susunod na linggo

362 Views

POSIBLE umanong tumaas ng mahigit P12 kada litro ang presyo ng diesel sa susunod na linggo.

Sa pagtataya ng UniOil Petroleum Philippines maaari namang tumaas ng P7 ang presyo ng kada litro ng gasolina.

Ang projection ng UniOil ay batay sa presyuhan ng krudo sa pandaigdigang pamilihan.

Ito na ang ika-11 sunod na linggo na nagtaas ang presyo ng produktong petrolyo sa bansa.