P816K na shabu nasamsam sa drug suspek
Jun 8, 2025
Kampanya kontra ismagling ay trabaho ng lahat
Jun 8, 2025
Proteksyon sa OFWs pinagtibay ng DMW, CHR MOA
Jun 7, 2025
Calendar

Provincial
DILG kinondena pagpatay sa 2 pulis sa Maguindanao
Peoples Taliba Editor
Sep 5, 2022
264
Views
Kinondena ng Department of the Interior and Local Government ang pagpatay sa dalawang pulis na ginagampanan lamang ang kanilang tungkulin sa Maguindanao.
Itinuturing din ni DILG Secretary Benhur Abalos ang pag-atake sa mga pulis sa bayan ng Ampatuan na “unforgivable.”
Kinilala ang mga nasawi na sina Police Lieutenant Reynaldo Samson at Police Corporal Salipuden Talipasan Endab at sugatan naman sina Police Senior Master Sergeant Renante T. Quinalayo, Police Corporal Rogelio R. Dela Cuesta, Jr., at Police Corporal Marc Clint Varrona Dayaday.
Nakiramay din si Abalos sa pamilya ng mga nasawi at nangako na pagbabayarin ang mga nasa likod ng pamamaril.
P816K na shabu nasamsam sa drug suspek
Jun 8, 2025
Batangas cops naglunsad ng Oplan Firewall
Jun 7, 2025
DPPAR ginawa sa Calamba
Jun 7, 2025
Parak-NE nagsagawa ng simulation exercises
Jun 7, 2025