Abalos

DILG pinuri PNP sa nakumpiskang 84 armas mula sa Taiwanese syndicate

Jun I Legaspi Mar 23, 2023
221 Views

PINURI ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benjamin “Benhur” Abalos, Jr. ang Philippine National Police (PNP) sa pagkumpiska ng mga tauhan nito ng 84 baril at mga bala na pinaniniwalaang pagmamay-ari ng isang Taiwanese crime syndicate sa Makati City.

“I extend the commendation of President Ferdinand R. Marcos, Jr. to the PNP under PNP chief Police General Rodolfo Azurin, Jr. and CIDG headed by Police Brigadier General Romeo Caramat, Jr. for the strong manifestation of keen responsiveness to this priority action of government to take away all instruments of crime, violence, and oppression from unauthorized individuals,” ani Abalos.

Ang operasyon ay pinangunahan ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa bisa ng search warrant sa bahay ni Jiang Zhang Xiadong a.k.a. “Liu Ming Chung.”

Nakumpiska ng pulisya ang 13 rifle, 7 submachine gun, 65 handgun, mga bala at accessories ng baril.

Wala naman sa bahay si Xiadong ng isagawa ang operasyon.

Matatandaan na nag-issue ng Warrant of Deportation at Mission Order sa tatlong Taiwanese ang CIDG, Makati City Police Station, Bureau of Immigration, at Philippine Drug Enforcement Administration (PDEA) noong Marso 1 batay sa impormasyon na binigay ng Taipei Economic and Cultural Office.

Nagresulta ito sa pagkakaaresto kina Wu Jheng Long, Chen Chien-Ning, Yang Zong Bao at Chen Chun-Yu na pawang mga pugante at undocumented aliens na sangkot umano sa iba-ibang krimen sa Taiwan at Pilipinas.

“Inatasan ko ang PNP alamin kung saan nanggaling ang mga nakumpiskang armas at isailalim ang mga ito sa ballistics test upang malaman kung ginamit ang mga ito sa iligal na gawain,” dagdag pa ni Abalos.