Doc Willie

“Doc Willie Ong Manggagamot, Isko Moreno Manggagamit”

Jerico Javier Feb 24, 2022
257 Views

jericoNAKAAALIW ang mga naglabasang biro at meme sa social media ukol sa umanoy pangangaliwa ni presidential bet Isko Moreno sa kanyang katambal na si vice presidential candidate Doc Willie Ong.

Naglabasan kasi ang umano’y pamamangka sa dalawang ilog ni Isko matapos lumutang ang pagsusulong sa Isko-Sara (ISSA) tandem o Isko at vice presidential candidate Sara Duterte sa Ilang lugar.

HIndi naitago ni Doc Willie ang sama ng loob matapos lumutang ang isyu. “Syempre na-hurt ako. Masakit yun,” ayon sa kanya sa isang panayam.

Pero sa kabila ng seryosong usapin ukol umano sa pagta-traydor ni Isko sa kanyang katambal, naglabasan naman ang malilikot na utak ng mga Pinoy sa social media at agad na ginawang katatawanan ang dapat sana ay seryosong isyu.

Nauso rin ang mga “meme” na mabilis kumalat at pinag-piyestahan ng netizen.

Pero bukod sa mga katatawanan marami rin ang seryosong banat at tila matindi ang galit sa ginawa ni Isko. Karamihan sa kanila nakikisimpatya at naawa kay Doc Willie.

Nataon kasi na naglabasan ang mga ISSA posters sa Maguindanao kung saan dumalaw sa naturang lugar si Isko. Kapansin-pansin din na hindi niya bitbit si Doc Willie sa naturang kampanya.

May mga kumalat pa na larawan na sakay si Isko sa isang pickup truck habang nagmo-motorcade habang may nakadikit ng Isko-Sara tandem na poster.

“Doc Willie nilalag na,” ayon sa isang netizen.

Ayon naman sa tweet ng isang netizen: “This is blatant kabastusan to your runningmate, Isko. Kawawa naman si Doc Willie. Nakakasuka ang asal mo. Doing that to a good man.”

Pero ang pinaka tumatak ay ang kumalat na slogan na “Doc Willie Ong, manggagamot. Isko Moreno, Manggagamit.”

Mukang sa lahat ito ang pinaka-akma at pinakanababagay na tawag kay Isko. Manggagamit.

Tama lamang na masaktan si Doc Willie. Nakakaawa.