Puno

DOE nagpatulong kina ex-SC Justice Panganiban, Puno sa paggawa ng polisiya

167 Views

HUMINGI ng tulong ang Department of Energy (DOE) kina retied Supreme Court Chief Justice Artemio Panganiban at Reynato Puno sa paggawa ang mga polisiya upang masiguro na nakasusunod ang mga ito sa Konstitusyon at mga batas.

Sina Panganiban at Puno ay magiging bahagi ng DOE Law and Energy Advisory Panel na binalangkas ni Energy Secretary Raphael Lotilla.

Binigyan-diin ni Lotilla ang kahalagahan na tama ang polisiya na irerekomenda ng DOE kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Ayon kay Lotilla pumayag ang dalawang retiradong mahistrado na magbigay ng guidance at payo sa DOE.

Una umanong paguusapan ng advisory panel ang upstream oil and gas sector ng bansa.