Teves

DOJ ikinasa preliminary probe vs Teves

Hector Lawas Jun 13, 2023
186 Views

MAGSASAGAWA ng preliminary investigation ang Department of Justice (DOJ) kaugnay ng multiple murder complaint na inihain laban kay Negros Oriental Representative Arnolfo “Arnie” Teves Jr. na isinasangkot sa pagpaslang kay Gov. Roel Degamo at siyam na iba pa.

Si Teves ay inireklamo ng 10 kaso ng murder at 14 na kaso ng frustrated murder, at apat na kaso ng attempted murder.

Ilang ulit ng itinanggi ni Teves na siya ay mayroong kinalaman sa pagpatay kay Degamo.

Si Teves ay nananatili namang nasa ibang bansa kahit na expired na ang travel authority na ibinigay sa kanya ng Kamara de Representantes.

Dahil dito, nagdesisyon ang Kamara na suspendihin si Teves.

Ang mga Degamo at Teves ay magkaribal sa pulitika.

Pinaslang si Degamo labingsiyam na araw matapos maglabas ng desisyon ang Korte Suprema na siya ang nanalo sa nakaraang eleksyon.