DOJ

DOJ kakasuhan 3 pulis na sabit sa pagkawala ng e-sabong agent

Hector Lawas Dec 19, 2022
149 Views

INANUNSYO ng Department of Justice (DOJ) na sasampahan nito ng kaso ang tatlong pulis na sangkot sa pagkawala ng isang e-sabong agent noong 2021.

Ayon sa DOJ, kasong robbery at kidnapping ang isasampa nito sa San Pablo City Regional Trial Court laban kina Police Staff Sergeant Daryl Panghangaan, Patrolman Roy Navarete, at Patrolman Rigel Brosas.

Ang kaso ay kaugnay ng pagdukot kay Ricardo Lasco sa kanyang bahay sa Barangay San Lucas, San Pablo City noong Agosto 30, 2021.

Ayon sa ulat, inaresto umano ng mga suspek si Lasco kaugnay ng large-scale estafa na isinampa laban dito.

Ayon sa mga kaanak ng biktima nagpakilala ang tatlo na mga miyembro ng National Bureau of Investigation.